Inaasahang pagtitibayin ngayon ng House of Representatives ang Bayanihan 2 na nauna nang naratipikahan ng senado noong Biyernes.
Nakapaloob sa Bayanihan 2 ang P165-bilyong pondo para sa mas epektibong pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Tiniyak ni House Majority Leader Martin Romualdez na natuto na sila sa nangyari sa Bayanihan 1 kaya’t babantayan nila ang Bayanihan 2 sa unang araw pa lamang ng implementasyon nito.
Partikular na tinukoy ni Romualdez ang naging mabagal na distribusyon ng mga local government units sa social amelioration fund.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, mayroon pa ring nakalaang ayuda subalit para na lamang ito sa mga mahihirap na maaapektuhan ng granular lockdown at sa mga kakauwi pa lamang na Overseas Filipino Workers (OFWs).