Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan To Recover As One o Bayanihan 2 act of 2020.
Ito’y upang patuloy na matugunan ng pamahalaan ang epekto na dulot ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, papalo sa P140-B ang inilaang pondo bilang stimulus package.
Habang nasa P25-B naman ang nakalaang standby fund para rito.
Malaking bahagi ng nasabing pondo ay mapupunta sa pautang para sa mga sektor na labis na naapektuhan ng pandemiya.
Kabilang dito ang mga micro, small at medium enterprises, turismo, transportasyon at agrikultura.
Bibigyan din ng P100,000 retroactive payment ang mga health worker bilang hazard pay.
Gagamitin din ito para kumuha ng karagdagang emergency health workers.
Gayundin ang pagbibigay ng risk allowance para sa public at private health workers na kumakalinga sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.