Lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maging isa nang ganap na batas ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Ito ay matapos na maratipikahan ang Bicameral Conference Committee report sa House of Representatives.
Una nang naratipikahan ang naturang panukalang batas sa Senado nuong Agosto 20.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, P140 billion ang magsisilbing available funds habang P25.5 billion naman ang standby fund.
Pinakamalaking bahagi ng pondo ay para sa pautang at assistance sa mga micro, small and medium enterprise, agriculture at fisheries, tulong sa mga PUV drivers, dagdag na hiring sa healthcare workers at iba pa.
Sa ilalim din ng naturang batas ay bibigyan ng 60-araw na moratorium ang mga may utang sa bansa habang 30-araw naman na palugit sa mga hindi nakapagbabayad ng kuryente, tubig at renta ng bahay o pwesto sa ilalim ng ECQ.