Inihain na sa Kamara ang panukalang batas para maglaan ng karagdagang pondo na makatutulong sa pagbangon muli ng ekonomiya bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay House Speaker Lord Alan Velasco, sa ilalim ng House Bill 8628 o ang Bayanihan to Rise as One Act na tatawagin ding Bayanihan 3, isusulong na maipasa ang P420 bilyong dagdag pondo ng gubyerno para rito.
Paliwanag ng speaker, hindi sapat ang mga naunang batas tuad ng Bayanihan 1 at 2 para matustusan ang mga pangangailangan sa pagbangon muli ng ekonomiya ng bansa.
Nakasaad sa panukala ang P52 bilyong = subsidiya sa mga maliliit na negosyo, P100 bilyong para sa capacity building o pagsagip sa mga nalulugi nang negosyo, mahigit isandaang bilyong piso para sa social amelioration at pitumpung bilyong piso naman bilang ayuda sa mga sektor ng agrikultura.
Maliban dito ani Velasco, may P30 bilyong rin ang nakalaan para sa cash for work program, P30 bilyong para sa internet allowance ng mga mag-aaral at guro sa pribado at pampublikong paaralan.
Mayruon din itong P5 bilyong para sa kumpunihin ang mga nawasak na imprastraktura dahil sa kalamidad at higit sa lahat, P25 bilyong para sa pagbili ng mga gamot at bakuna kontra COVID-19.