Posibleng hindi na masundan ang pagsasagawa ng ika-apat na yugto ng Bayanihan, Bakunahan ng pamahalaan.
Ito ang sinabi ni health undersecretary Myrna Cabotaje, chairperson ng National Vaccination Operations Center o NVOC, palalakasin na lamang ang pagbabakuna sa mga lalawigan at lugar na may mababang vaccination rate.
Giit pa ni cabotaje na sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa Alert level 1 nakamit na ang 70 percent vaccination coverage.
Aniya, umaasa ang NVOC na makakahabol ang ibang lugar na mabakunahan ang kanilang target population para maisailalim na rin sa naturang alert level.
Samantala, nilinaw ni Cabotaje na tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga vaccination center sa mga lokal na pamahalaan sa NCR at iba pang lugar sa bansa.