Gumawa ng kasaysayan ang National Dance Company ng Pilipinas.
Ito ay matapos maiuwi ng Bayanihan Dance Troupe ang grand prize mula sa Cheonan World Dance Festival sa South Korea.
Magiliw na ipinamalas ng mga Pilipino ang kultura ng bansa sa pamamagitan ng musika at pagsasayaw.
Ayon sa grupo, nagbunga ang kanilang hirap at sakripisyo para muling makapag uwi ng karangalan para sa bansa mula sa unang international competition na sinalihan nila mula nang magsimula ang pandemya.
Ang pinakabagong award ay ika-14 na ng Bayanihan Dance Troupe mula sa mga sinalihang kumpetisyon sa ibayong dagat.