Naglunsad ang Office of the Vice President ng Facebook page na mayroong titulong “bayanihan e-konsulta”.’
Ayon kay Vice President Leni Robredo, layon nitong matulungan ang mga COVID-19 patient at non-covid patient para makapagpa konsulta sa pamamagitan ng tele-consultation.
Inaasahan aniyang makatutulong ito lalo’t napakaraming tawag at mensahe ng paghingi ng tulong ang natatanggap ng mga ospital.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 2,300 volunteers ang nakiisa sa operasyon ng bayanihan e-konsulta.