Balik operasyon na ang ‘Bayanihan E-Konsulta’ ng tanggapan ng Pangalawang Pangulo matapos itong pansamantalang nagtigil operasyon dahil sa ilang backlogs.
Sa isang pahayag, sinabi ni Vice President Leni Robredo na ang naturang programa ng kanyang tanggapan ay nagbibigay ng libreng teleconsultation para sa mga outpatient sa National Capital Region (NCR).
Mababatid na nagsisimula ang pag-arangkada ng bayanihan e-konsulta mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon; mula Lunes hanggang Sabado.
Samantala, sa ilalim pa rin ng programa ni Robredo, nakapaghatid na ito ng care kits sa 24 na mga COVID-19 patients.