Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang bayanihan fund challenge para sa lahat ng kanilang mga opisyal at kawani.
Ayon kay PNP Chief Police Gen. Archie Francisco Gamboa, layunin ng proyekto ang makakalap ng pondo para maibigay bilang tulong sa mga mahihirap na Pilipinong apektado ng umiiral na enhanced community quarantine.
Sinabi ni Gamboa, target nila na makalikom ng P200-M alinsunod na rin sa panawagan ng Pangulo na tulungan ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Nilinaw naman ni Gamboa na boluntaryo ang bayanihan fund challenge para sa mga kawani ng PNP habang obligado naman ang mga opisyal simula sa mga heneral na mag-ambag ng 50% ng kanilang basic pay.