Pormal nang inilunsad ng Quezon City Task Force on Traffic and Transport Management at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ‘Bayanahin sa Lansangan’.
Ayon kay Quezon City Traffic Manager Ariel Inton, layon ng programa ang madagdagan ang mga bumibiyaheng bus para sa mga commuter sa bahagi ng Commonwealth.
Sa ilalim ng proyekto, ilang mga pampasaherong bus ang magsisimulang bumiyahe at magsakay ng pasahero sa Wilcon Depot sa Doña Carmen at patungong Ortigas hanggang Makati.
Ilang mga Angkas drivers din ang magbibigay ng libreng sakay sa mga pasaherong malalapit lamang pupuntahan o yung mga hanggang Philcoa at Quezon City Hall ang biyahe.
Una nang sinabi ni Inton na maraming commuters sa Commonwealth ang hirap makasakay dahil punuan na agad ang mga bus na mula Fairview at San Jose Del Monte, Bulacan.