Ipinanawagan ni Surigao Del Norte Representative Robert Barbers na suportahan ang kanyang panukalang ilibing ang sports heroes sa libingan ng mga bayani sa Taguig City.
Alinsunod ito sa House Bill No. 3716 o ang Sports Heroes na inihain ng mambabatas sa kamara bilang pagkilala sa karangalan na inihatid ng mga ito sa bansa.
Nabatid na ang yumaong Asian Track and Field legend na si Lydia De Vega ang nagtulak kay Barbers para isulong ang naturang panukala.
Sa kasalukuyan, tanging ang mga namatay na Presidente, Medal of Valor awardees, AFP Chiefs of Staff, Vice Presidents, Secretary ng National Defense, General/flag officers, aktibo at mga retiradong AFP personnel, justices ng Supreme Court, justices ng Court of Appeals, senators, senate president, at iba pa ang tanging pinahihintulutang mailibing sa Libingan ng mga Bayani.