Lusot na sa House Committee on Appropriations ang panukalang batas na layong maglaan ng P405.6 bilyon para sa tuloy-tuloy na pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, sa ilalim ng Bayanihan to Arise As One Act o Bayanihan 3 bill ay maglalaan ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng ‘additional advances’ ng hanggang sampung porsiyento ng average income ng national government nang walang interes.
Nakasaad sa panukala na pagkakalooban ng P1,000 na ayuda ang bawat Pilipino kahit na ano pa ang katayuan nito sa buhay.
Dahil aprubado na sa komite, itutulak naman ang bill sa plenaryo para sa isa pang sigwada ng deliberasyon.