Inihayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO) na tatanggalin na ang Value Added Tax (VAT) sa bayarin ng mga concessionaire ng Manila Water at Maynilad.
Ayon kay MWSS-RO Chief Regulator Patrick Ty, ang pagkaltas ng VAT ay kasunod ng pagpasa ng prangkisa ng Maynilad at Manila Water sa Kongreso.
Dagdag pa ni Ty, ang mga pagbabago ay magreresulta sa pagbawas sa buwanang singil sa tubig ng mga customer ng Maynilad at Manila Water.
Samantala, ang 12% na vat ay sisimulang ibawas sa bayarin ng mga konsyumer simula March 21, 2022. -sa panulat ni Mara Valle