Naitala ng Baybay City sa Leyte ang una nitong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa alkalde nito na si Jose Carlos Cari, ang naturang unang COVID-19 positive ay kabilang sa unang batch na mga umuwi dahil sa Balik-Probinsya program ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Cari, lahat aniya ng mga kabilang sa nagbalik-probinsya ay isinailalim sa quarantine at COVID-19 testing.
Nauna rito, tinanggap ng probinsya ang 11 katao na nagbalik probinsya sa ilalim ng programa ng pamahalaan, gayundin ang 12 OFWs.
Samantala, siniguro naman ng pamunuan ng probinsya na wala pang direct contact ang pasyente sa mga kaanak nito.