Sinimulan nang bakuran ng Department of Environment and Natural Resources ang Baywalk area sa Roxas Boulevard.
Ito, ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ay upang mapigilan ang paglangoy sa maruming tubig ng Manila Bay habang isinasailalim sa rehabilitasyon.
May taas anya ang fence na apat na talampakan mula sa US Embassy hanggang Manila Yacht Club.
Sinimulan na ring tanggalin ng Department of Public Works and Highways ang burak at basura sa ilalim ng dagat.
Itatayo naman ang isang diversion drainage sa tabing-dagat na daraanan ng wastewater mula sa mga karatig establisyimento hanggang sa Manila Yacht Club kung saan isang water treatment plant ang itatayo.