May babala si Pangulong Rodrigo Duterte sa grupong KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap
Ito’y sakaling lusubing muli ng grupo ang mga pabahay na ipatatayo ng pamahalaan para sa mga pulis at sundalo
Banta ng Pangulo, hindi siya mag-aatubiling gamitin ang puwersa ng batas sa sandaling ulitin pa nila ang pang-aagaw ng lupain at pabahay
Pakinggan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
Magugunitang naki-usap kamakailan ang Pangulo sa mga pulis at sundalo na may pabahay sa Pandi, Bulacan na ibigay na lamang sa KADAMAY ang mga inokupahan nilang kabahayan
Giit ng Pangulo, nasusuya na siya sa ginagawang paglusob at pang-aagaw ng grupo kaya’t dapat nang matigil iyon
Pakinggan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
By: Jaymark Dagala