Ibinahagi ng aktor na si Robin Padilla ang bagong trabaho ng kanyang kapatid na si BB Gandanghari na kasalukuyang naka-base sa Estados Unidos.
Ayon kay Robin, bukod sa pagiging androgynous model, si BB ngayon ay nakikipagsapalaran bilang Uber driver sa Amerika.
Sinabi pa ni Robin na maayos naman ang lagay ng kanyang nakatatandang kapatid subalit hindi niya rin maiwasang mag-alala.
Aniya, bahagya siya kinakabahan para sa kapatid dahil hindi naman nito kabisado ang klase ng mga tao doon bukod pa sa pumupunta ito sa iba’t ibang lugar dahil sa pagiging Uber driver.
Aminado rin si Robin na sa kanilang magkakapatid ay si Rustom ang kanyang pinaka-close simula noong kanilang kabataan bagama’t medyo iba na dahil babae na ito.
—-