Rarampa na sa Hulyo 11 ang mga kandidata ng Binibining Pilipinas at Miss World Philippines ayon kay Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo sa Binibining Pilipinas virtual press conference ngayong Biyernes.
Samantala, ngayong taon rin papangalanan ang mga kinatawan ng bansa sa Miss International, Miss Grand International, Miss Intercontinental, at Miss Globe.
Matatandaang ilang beses nang kinansela noong nakaraang taon ang patimpalak dahil sa pandemyang COVID-19.