Binatikos ng Malacañang ang dokumentaryong ipinalabas ng British Broadcasting Corporation (BBC) hinggil sa estado ng demokrasya sa Pilipinas.
Tinawag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na anti-Duterte propaganda ang BBC documentary na pinamagatang Philippines: Democracy in Danger na iniere noong Setyembre 29.
Ayon kay Cayetano, pang-tabloid at pang-tsismis ang laman ng dokumentaryo dahil inililigaw nito ang manunuod sa war on drugs ng Duterte administration.
Iginiit ni Cayetano na naging ligtas at masagana ang Pilipinas dahil sa war on drugs ng administrasyon.
—-