Umakyat na sa 51 ang nasawi sa flashfloods at landslides sa Japan bunsod ng malakas na pag-ulan dala ng Typhoon Prapiroon o Bagyong Florita, simula noong Huwebes.
Daan-daang iba pa ang nawawala habang tinaya na sa limang milyong katao ang apektado at nagsilikas bunsod ng kalamidad.
Kabilang sa mga pinakamatinding naapektuhan ang Hiroshima at Kyoto prefectures kung saan daan-daang kabahayan ang nalubog.
Binalaan naman ng Japan Meteorological Agency ang publiko na maghanda sa posible pang malakas na pag-ulan habang papalapit ang super typhoon Maria na nasa Guam.