Lusot na sa committee level ng Kamara ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL)
Ito’y bilang tugon sa panawagan sa Kongreso ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-prayoridad ang pagpasa sa B.B.L.
Inaprubahan ang B.B.L. sa isang executive session ng committees on local government at Muslim affairs and special panel on peace, reconciliation and unity, kahapon.
Sa closed-door meeting, inaprubahan ng mga naturang kumite ang mosyon ni Maguindanao Rep. Bai Sandra Sema i-adopt ang House Bill 6475 na inihain ni Speaker Pantaleon Alvarez na ginamit bilang final draft ng Bangsamoro Transition Commission na isinumite naman kay Pangulong Duterte.