Magiging dagdag pasanin para sa publiko partikular sa mga hindi taga-Mindanao ang panukalang Bangsamoro government.
Ito ang inihayag ni Senador Ralph Recto sa panibagong hearing ng Senate Committee on Local Government kaugnay sa Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ipinaalala ni Recto na marami ng public funds ang nawaldas nang likhain ang Autonomous Region in Muslim Mindanao subalit popondohan na naman ang ipapalit ditong Bangsamoro Region.
Inihayag naman ni Committee Chairman Bongbong Marcos na isa sa kwestyonable sa lilikhaing Bangsamoro Government ang tila ispesyal na pagtrato rito kumpara sa ibang lokal na pamahalaan.
Ito’y dahil pagdating sa taxation ay sa Bangsamoro mapupunta ang lahat ng makokolektang buwis hindi tulad sa mga Local Government Unit na i-reremit sa national government bago bigyan ng internal revenue allotment.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)