Inaprubahan na ng House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro ang Committee report gayundin ang substitute bill ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Sa botong 48-18, idineklara na ni Ad Hoc Committee Chairman at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang inaprubahang ammendments sa nasabing panukala
Dahil dito, agad idederetso ang committee report sa House Ways and Means Committee sa Lunes ng susunod na linggo habang i-aakyat naman sa plenaryo kinabukasan, araw ng Martes.
Kasunod nito, nagpasalamat naman ang mga mambabatas mula sa Mindanao sa magandang development na ito.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)