Dadaan sa masusing pag-aaral ng Senado ang panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Ito ang naging pagtitiyak ni Senador Sonny Angara, sakaling ma-refer sa kanyang hinawakang Committee on Local Government ang panukalang BBL.
Ayon kay Angara, magsasagawa sila ng konsultasyon para masigurong walang malalabag sa konstitusyon ang BBL para hindi na kwestiyunin sa Korte Suprema.
Giit pa ng senador handa silang gawing prayoridad ang pagtalakay sa BBL dahil batid nilang mahalaga ito para sa matagal nang hinahangad na kapayaan sa Mindanao.
Gayunman, hindi pa sigurado si Angara na mapupunta sa kanyang hinahawakang komite ang nasabing panukala dahil maaari pa itong ma-irefer sa Committe on Peace, Unification and Reconciliation na hawak ni Senador Gringo Honasan.
By Krista de Dios | ulat ni Cely Bueno (Patrol 19)
BBL dadaan sa masusing pag-aaral ng Senado was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882