Inamin ng liderato ng Kamara na mahihirapan na silang maipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Kapwa inihayag nila House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Majority Leader Neptali Gonzales II na ito’y dahil kapos na sila sa panahon bunsod ng pagsasara ng sesyon bukas para sa kanilang Christmas break.
Gayunman, pinabulaanan ni Belmonte na ang usapin sa quorum ang dahilan kaya’t tuluy-tuloy na ang pagkakabitin ng nasabing panukalang batas.
Giit ni Belmonte, malabong maipasa ang BBL sa loob lamang ng 3 araw dahil sa masyadong mahaba ang period of interpellations para rito.
By Jaymark Dagala