Nakatakdang magpatuloy ang pagdinig ng Kongreso kaugnay ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL, bukas, Agosto 4.
Ito ang kinumpirma ni House Majority Leader at Representative Neptali Gonzales II kasunod ng kanilang pagbabalik-sesyon.
Matatandaan na sa idinaos na huling SONA ng Pangulong Benigno Aquino III ay nanawagan ito sa Kongreso na ipasa na ang BBL para sa pangmatagalang kapayaan sa Mindanao.
Iginiit din ni Aquino na dapat maglatag ng alternatibo ang mga sumasalungat sa naturang panukalang batas.
By Jelbert Perdez