Nilinaw ni Senate Committee on Local Government Chairman Bongbong Marcos na hindi pang-aagaw sa legacy ni Pangulong Noynoy Aquino ang ginagawa nilang pagbusisi sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon sa senador, hindi maaaring madaliin ang pagpasa sa BBL dahil itinuturing nila itong napaka-sensitibong usapin.
Binigyang diin ni Marcos na nais nilang maipasa ang isang pulido, katanggap-tanggap at tamang Bangsamoro Basic Law kaya’t walang dapat ikabahala ang administrasyon kung pag-aralan man nila itong maigi.
Una nang sinabing senador na hindi niya maipapangako na maihahabol ang pagpasa sa BBL bago pa man ang nakatakdang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Aquino sa Hunyo.
By Jaymark Dagala