Naniniwala ang isang retiradong associate justice ng Korte Suprema na hindi sagot o solusyon sa kaguluhan sa Mindanao ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Ret. Supreme Court Associate Justice Florentino Feliciano, hindi lang naman kasi ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang armadong grupo sa Mindanao dahil aktibo rin sa lugar ang mga armadong Muslim at non-Muslim groups tulad ng Moro National Liberation Front, Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, at New People’s Army.
Hindi rin, aniya, masisiguro na magdudulot ng kapayapaan sa rehiyon ang peace agreement na isinusulong ng pamahalaan at ng MILF tulad ng iginigiit ng peace panel.
Idinagdag pa ni Feliciano na ang comprehensive agreement sa pagitan ng gobyerno at MILF ay nangangahulugan na may insurgency.
Ang insurgency, aniya, ay isang rebellion na punishable o may kaparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code.
By Bert Mozo / Meann Tanbio