Hindi na maipapatupad sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Benigno Aquino III ang Bangsamoro Basic Law (BBL) kahit maipasa ito sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Senate Committee on Local Government Chairman Bongbong Marcos, ito ay dahil sa bersyon ng senado, maaari lamang isagawa ang plebisito, matapos ang 6 na buwan.
Kasama sa mga tinanggal sa substitute bill ay ang inilaang P17 bilyong pisong pondo para sa rehabilitasyon at development ng Bangsamoro government.
Inalis na din ang preamble, na maaari umanong maging daan para makuwestyon sa Korte Suprema ang BBL.
Umaasa si Marcos na ang maipapasang BBL, ay magbibigay hustisya sa pagkamatay ng SAF 44.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)