Dapat ipaubaya na lamang sa susunod na administrasyon ang pagpasa ng kontrobersiyal na Bangsamoro Basic Law (BBL) upang matiyak na plantsado ito ayon kay Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Aminado si Marcos, Chairman ng Senate Committee on Local Government na naatasan na rebyuhin ang BBL, na kukulangin na sa oras para maipasa ang panukala lalo pa’t kinakailangan pang magsagawa ng plebisito tungkol dito.
Sinabi pa ni Marcos na posibleng hindi maisumite sa Lunes ang committee report tungkol sa BBL kung kailan tatalakayin din ng mga senador ang iba pang mahahalagang priority measures ng administrasyon.
Nakatakdang magsagawa ng caucus ang mga Senador sa Lunes upang pag-usapan ang iba’t ibang mahahalagang panukalang batas na dapat pagtuunan ng pansin.
By Mariboy Ysibido