Walang garantiya ang mababang kapulungan ng kongreso na maipapasa sa Hunyo 11 ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales II, nais nilang sulitin ang nalalabing mga araw ng sesyon tulad ng pagpupulong sa plenaryo bago mag-adjourn sa Huwebes ng susunod na linggo.
Sinabi ng mambabatas, kinakailangan nila ng sapat na oras at panahon para mapakinggan ang mga mambabatas na nagnanais lumahok sa gagawing plenary debate.
Kasunod nito, sinabi rin ni Gonzales na maging sa senado, malabo ring maipasa ang BBL dahil sa maraming senador din ang nagnanais pag-aralan pa ng mabuti ang nasabing panukala.
By Jaymark Dagala