Itinakda ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Disyembre 16 ang deadline para maipasa ang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Inihayag ito ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez na siyang Chairman ng House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro makaraang isara na ang debate sa plenaryo hinggil panukalang pambansang budget sa susunod na taon.
Itinakda ang nasabing petsa makaraang makipagpulong si Pangulong Benigno Aquino III kay House Speaker Feliciano Belmonte sa Malacañang kamakailan.
Gayunman, hindi matiyak ni Rodriguez kung masusunod ang nasabing iskedyul dahil sa inaasahang kukuwestyunin ang BBL sa Korte Suprema.
By Jaymark Dagala