Hindi na gagamitin ng kasalukuyang administrasyon ang isinulong na Bangsamoro Basic Law (BBL) ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, ito ay dahil mayroong sariling peace road map na gagamitin ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag ni Dureza na sa ilalim nito, tanging ang pagkakaroon ng transition committee ang kanilang ia-adapt.
Ang transition committee ay bubuuin ng 15 miyembro na magmumula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF), Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), mga sultanato at mga katutubo.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)