Hindi ipapasa ng Kongreso ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na walang amendments o pagbabago.
Ito ang reaksyon ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano matapos ang tila pananakot ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ititigil nila ang decommissioning sa kanyang puwersa kapag watered down ang BBL na ipapasa ng Kongreso.
Ayon kay Alejano, kung ang ehekutibo ay binibeybi ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) hindi ito makukuha ng nasabing rebeldeng grupo sa Kongreso.
Aniya, ang pagyuko ng gobyerno sa hiling ng MILF ay labag sa Saligang Batas at isang indikasyon ng kahinaan nito.
By Mariboy Ysibido