Paglabag sa Jakarta agreement ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF).
Ito ang pananaw ng MNLF kapag tuluyang ipinasa ang panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Iginiit sa DWIZ ni MNLF Spokesman Absalom Cerveza na hindi pa naipapatupad ang mga napagkasunduan sa Jakarta, Indonesia noong panahon pa ng dating Pangulong Gloria Arroyo.
Samantala, mabibigo ang mga nagpapanday ng panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law na magiging susi ito nang pagkakaroon ng tunay na kapayapaan sa Mindanao.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni MNLF Spokesman Absalom Cerveza na nagsabi ring para lamang sa MILF ang panukalang BBL at hindi sa iba pang grupo sa rehiyon.
By Judith Larino