Posibleng maaprubahan na ng tatlong komite ng Kamara ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL bago mag-Lenten break ang Kongreso.
Ayon kay Anak Mindanao Representative Makmok Mending na dalawang konsultasyon na lamang ang isasagawa ng House Committee on Local Government Committee on Peace, Reconciliation on Unity at Committee on Mindanao Affairs.
Matapos umano ito ay maaari nang isapinal ang kopya ng BBL na kanilang pagbobotohan.
Sinabi ni Mending na malaki ang posibilidad na maaprubahan na ng mga nabanggit na komite ang BBL sa nakatakdang pagdinig sa March 21.
Ang BBL ay naglalayong magtatag ng Bangsamoro Region na hahalili sa bubuwaging Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
—-