Ita-tratong priority measure ng Senate Committee on Local Government ang BBL o Bangsamoro Basic Law na nakatakdang isumite ng Malakanyang sa senado.
Ito ay ayon kay Senator Sonny Angara, oras na sa kanilang komite mai-refer ang panukalang BBL.
Giit ni Angara, napakahalaga ng BBL para matamo ang matagal ng hinahangad na kapayapaan sa Mindanao kaya nararapat lamang itong gawing priority measure.
Dagdag ni Angara, kung mahusay ang pagkakagawa ng nasabing panukalang BBL, nagkaroon ng malawakang konsultasyon at kung susuportahan nang husto ng Malakanyang ay malaki na ang tiyansa na makapasa na ito.
Krista De Dios | Story from Cely Bueno