Sisimulan nang talakayin sa senado ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL na siyang inaasahang susi sa pagtatamo ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao.
Pagtitiyak ni Senate Committee on Local Government Vice Chairman Juan Miguel Zubiri, magiging komprehensibo at mabusisi ang isasagawa nilang mga pagdinig.
Iikot din sila sa ilang lalawigan na sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na target ding masaklawan ng bubuoing bagong Bangsamoro Autonomous Government.
Magugunitang inihayag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang agarang maipasa ang BBL upang makamtan na ang kaunlaran at kapayapaan ng mga kababayang Bangsamoro.
—-