Inilabas na ni Senador Miriam Santiago, Chairperson ng Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, ang report kaugnay sa pagdinig ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ipinabatid ni Santiago na 11 pang senador ang sumusuporta sa kanyang report na kailangang rebisahin ang BBL para umayon sa konstitusyon upang hindi makuwestyon sa Korte Suprema.
Bukod kay Santiago, lumagda rin sa report sina Committee Vice Chairman Koko Pimentel, acting Minority Leader Tito Sotto, mga miyembrong sina Sonny Angara, Jinggoy Estrada, TG Guingona, Gringo Honasan, Lito Lapid, Bongbong Marcos at Cynthia Villar.
Nabatid na sina Senate President Pro-tempore Ralph Recto at Senate Majority Floorelader Alan Peter Cayetano na pawang ex-officio members ay sumusuporta rin sa nasabing committee report na maaaring isama sa report ni Marcos gayundin ng committee on peace, unification and reconciliation para pagdebatehan sa plenaryo.
By Judith Larino