Tiniyak ni Senate President Koko Pimentel na kakayaning tuparin ng Kongreso ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na maipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL ngayong Mayo.
Kasunod ito ng naging pahayag ng Pangulo na pinag-iisipan nitong magbitiw sa puwesto kapag hindi naipasa ang BBL.
Ayon kay Pimentel, batay sa timetable ng Senado, target talaga nilang mapagtibay ang BBL sa Mayo.
Dagdag ni Pimentel, sa pagbabalik ng sesyon, agad nilang ipagpapatuloy ang paghimay sa panukalang BBL.
Sinabi pa ni Pimentel, kakayanin din ng Kamara na bilisan ang pagtalakay sa BBL kung gugusto ng mga ito.
Sa kasalukuyan, nasa period of interpellation o plenary debates sa Senado ang panukalang BBL.
(Ulat ni Cely Bueno)