Tiniyak ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nakasusunod sa itinatadhana ng konstitusyon ang binubuo nilang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Inihayag iyan ni Zubiri na siyang chairman ng Senate Subcommittee on the BBL sa isyu kung bakit tila natatagalan sila bago maipasa ang nasabing batas.
Ayon kay Zubiri, kinakailangan nilang maging maingat at mabusisi sa mga detalye ng nasabing batas dahil kinakailangang maging katanggap-tanggap ito para sa lahat ng mga taga-Mindanao.
The only way to amend it once again is through another plebiscite, idadaan ulit sa Kongreso at dadaan sa plebisito. Kaya naman talagang tinitingnan namin paisa-isa ang lahat ng mga sections at articles to make sure na wala po kaming mali na nailagay or unacceptable language, kaya natagalan po tayo. Pahayag ni Zubiri sa panayam ng DWIZ.
Kasunod nito, umaasa si Zubiri na tatanggapin na ng Bangsamoro Transition Commission o BTC ang naturang batas upang maikasa na ang plebesito.