Tiwala si Senate Committee on Local Government Chairman Bongbong Marcos na hindi mari-railroad sa senado ang pag-apruba sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ito, ayon kay Marcos ay dahil sa napaka-independent minded ng mga senador at katunayan ay napaka-metikuloso at detalyado ang ginagawa nilang pagbusisi sa BBL alinsunod sa mga suhestyon ng kanyang kapwa mambabatas.
Kahapon ay lumusot sa House Ad Hoc Committee ang BBL sa botong 50-17-1 o 50 pabor; 17 tutol at isang abstain.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)