Pormal nang binuksan ng Senado ang debate para sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) na siyang inaasahang magiging susi sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri, Chairman ng Sub-Committee on BBL, nagkausap na sila ni Pangulong Rodrigo Duterte at nangako aniya itong ise-certify bilang urgent ang pagpasa sa naturang panukala.
Sa lahat ng hearings lahat po ay pabor dito, halos 99% ng support ng ating mga kababayan nakita naman po ng mga kapatid nating media yan sa pag iikot natin sa Maguindanao, sa Cotabato City, sa Lanao, sa Basilan at Tawi Tawi talagang may 100 support ang ating kababayan dito, at ito ay hinihintay nila para magkaroon sila ng long and lasting autonomy para sa kanilang region.” Pahayag ni Senador Juan Miguel Zubiri
Sa kaniyang talumpati naman sa turn-over ng Bahay Pag-Asa sa Marawi City kahapon, tiniyak mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na papasa ang BBL sa Kongreso bago ang kaniyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo.
Yang BBL na yan titingnan namin lulusot yan, talagang sabi ko pagkatapos nyan if its earlier than 2020 pag meron Federal at bagong Presidente which will call for an election, I will step down by 2020, hindi ko na hihintayin yung 2022 basta mabuo yan kasi ayaw nila yung iba ang sabi nila si Duterte gusto lang yan na maipasa yung Federal pati na ang BBL kasi gusto nyang mag diktador, matanda na po ako at wala na po akong ambisyon na ganon.” Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
RPE