Uunahin ng senado ang pag-apruba sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago tutukan ang pag-amyenda sa economic provision ng saligang batas.
Ito ang inihayag ni Senate Pres. Franklin Drilon kasabay ng pag-arangkada ng plenary debate ng kamara kaugnay sa BBL.
Una nang inihayag ni Drilon na maaaring masaklaw ng isasagawang pag-amyenda sa mga nasabing probisyon sa konstitusyon ay ilang un-constitutional provision ng BBL subalit posibleng hindi na ito umabot sa takdang panahon.
By Cely Ortega-Bueno / Drew Nacino