Hindi papayag ang Senate Committee on Local Government na ma-railroad ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Inihayag ito sa DWIZ ni Senador Bongbong Marcos, Chairman ng nasabing komite.
Tiniyak din ni Marcos na naayos na ang problema sa ilang probisyon sa BBL gaya ng power sharing, economic provision.
Idinagdag pa ni Marcos na constitutional ang ipapasa nilang BBL.
“Dito sa senado talagang kahit papano ay hindi namin ipapasa yan, hanggang maliwanag na maliwanag na constitutional na ang version na ipapasa namin, hindi ako papayag na hindi mailagay sa tama yung version ng BBL na ipapasa ng senado.” Pahayag ni Marcos.
By Meann Tanbio | Kasangga Mo Ang Langit