INIHAYAG ni dating Presidential spokesperson Harry Roque Jr. na ini-endorso niya si presidential candidate Bongbong Marcos sa darating na eleksiyon.
Sa isang liham na ipinadala kay Marcos, sinabi rin ng dating tagapag-salita ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinatanggap niya ang alok ng partido ni Marcos na Partido Federal ng Pilipinas o PFP para gawin siyang guest candidate bilang senador.
Hindi naman ikinagulat ng marami ang hakbang ni Roque dahil inaasahan na ng BBM-Sara Uniteam na marami pang susunod na personalidad ang mag-e-endorso sa kanila na may alok na mapagkaisang pamumuno.
Maliban sa pagiging dating tagapagsalita ng Pangulo, naging mambabatas din si Roque, law professor at isang kilalang tagapagtanggol ng mga karapatang pantao.