Excited na si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Maid in Malacanang Movie na una nang inilatag sakaniya ng direktor na si Darryl Yap noong nangangampaniya pa lamang ito sa pagkapangulo.
Ang naturang pelikula ay nakatutok sa huling 72 oras ng pamilya Marcos sa Malacanang sa pamamagitan ng point of view o pananaw ng mga kasambahay.
Sinabi ni Yap na hindi na makapaghintay ang pamilya Marcos sa premiere night kabilang na sina Senator Imee Marcos, anak ni PBBM na si Sandro Marcos maging ang mga gaganap o mga cast at crew sa nasabing pelikula.
Kasama sa nasabing movie sina Cesar Montano bilang former president, Fedinand Marcos Sr.; Ruffa Guttierez na gaganap bilang former first Lady Imelda Marcos; Cristine Reyes na gaganap bilang si Sen. Imee; Ella Cruz bilang si Irene Marcos; at Diego Loyzaga bilang si BBM habang ang mga gaganap naman na mga kasambahay ay sina Elizabeth Oropesa, Karla Estrada at Beverly Salviejo.