Maliit lamang ang naging epekto sa daloy ng trapiko ng isa pang Grand caravan nina Presidential Aspirant, dating Senador Bongbong Marcos at runningmate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte na inilunsad sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA General Manager, Atty. Romando Artes, nasa 900 sasakyan, kabilang ang mga motorsiklo, kotse at bus ang lumahok sa Caravan, kahapon.
Batay anya sa kanilang assessment, naging maayos naman ang Mega Caravan na resulta ng maayos na pakikipag-tulungan ng mga Organizer sa mga otoridad.
Taliwas ito sa nangyari sa Quezon City noong December 8 kung saan nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang Caravan, dahil umano sa kawalang koordinasyon ng kampo ng kampo nina Marcos at Duterte at Local Government.
Sa inilargang UniTeam Motorcade kahapon, nagdeploy ang mga organizer ng sarili nilang mga Marshall habang inokupahan ng mga lumahok ang isang lane lamang ng EDSA.