Hinihimok ni presidential aspirant at Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand “bongbong” Marcos Jr. na magkaisa ang lahat at huwag umano pairalin ang cancel-culture mentality sa bansa
Sa isang BBM video ipinahayag ni Marcos na nagsisilabasan ngayong panahon ng kampanya ang samu’t-saring isyu na nakaaapekto sa maliliit na negosyo at negosyanteng sumusuporta sa kanya
Matapos makarating sa dating senador na binoboycot umano ang negosyo ng ilan sa kanyang mga supporter
Idiniin ni Marcos na sa halip magkansela ay pairalin ang pagkakaisa gayung maraming negosyo ang bumabangon pa lamang buhat ng lumpuhin ng Covid-19 ang ekonomiya ng bansa. —sa panulat ni Joana Luna