Humingi ng paumanhin si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. Matapos hindi makapunta sa Comelec preliminary hearing sa inihaing petisyon sa diskwalipikasyon at pag-alis sa kaniyang pangalan sa listahan ng mga kandidato sa pagkapangulo na nakatakdang isagawa kahapon January 7, 2021.
Ito ay makaraang ma-expose si Marcos sakaniyang dalawang tauhan na nagpositibo sa covid-19 kabilang na ang kaniyang Chief of Staff na si Atty. Vic Rodriguez at ang kaniyang security escort.
Ayon sa malapit na kaibigan ni Marcos na si former Congressman Anton Lagdameo, humingi ng paumanhin si Marcos sa poll body, partikular kay Presiding Judge Rowena Guanzon, sa pagka-antala sa kaniyang hindi pagdalo sa unang disposisyon ng mga kaso.
Nag-isyu na ng medical certificate ang attending physician ni Marcos na si Dr. Benedict Francis Valdecanas na nakararanas ngayon ng lagnat at hirap sa paglunok at pagsasalita dahil sa pananakit ng lalamunan.
Sa kabila ng kinakaharap na mga kaso ni Marcos ay patuloy paring tumutulong ang uniteam sa pagresponde at pagtugon sa covid-19 pandemic.
Nabatid na namahagi ang uniteam volunteers ng mga gamot at facemask at vitamins sa mga ospital sa National Capital Region (NCR) maging sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Samantala, sumailalim naman sa mandatory rt-pcr test ang BBM campaign workers matapos magpositibo sa antigen test ang tatlumpu sa kanilang tauhan.